UP-Ateneo-La Salle rumble

Tingin ng karamihan eh, mauulit ang UP-Ateneo finale.

Pero matapos ang mga unang salpukan, ang nabuong forecast sa Kubo ni Kandong eh, three-way fight na kapapalooban ng Fighting Maroons, Blue Eagles at Green Archers.

Agad nakaungos sa mga kalaban ang UP at Ateneo sa kanilang magkaparehong 2-0 starts, samantalang mula sa losing season debut kontra UP ay bumawi ang Archers at humugot ng malakas na bounce back win kontra Santo Tomas.

Kita agad sa initial games na lamang sa personnel at talent ang Maroons, Eagles at Archers.

Mukhang hindi sila mapipigil sa pagsungkit ng puwesto sa Final Four.

Ang tanong eh, kung ano ang magiging pairings.

Ang No. 4 spot eh, maaaring wild rumble sa limang ibang koponan.

***

Sumabit nga ba si Calvin Oftana kay Paul Lee upang matawagan ng foul at makapagbukas ng pintuan para makatakas sa panalo ang Magnolia kontra TNT (94-92) sa isang dikdikang laro noong nakaraang gabi.

‘Di maliwanag sa slo-mo replay at lalong ‘di maliwanag sa anggulo ni coach Chot Reyes kaya naman grabe ang kanyang disappointment na nag-trigger sa kanyang pagtawid tungo sa lugar ng mga referees pagkatapos ng laro.

Kung mali ang tawag, tunay na masakit sa TNT dahil sa matinding effort ang kanilang hinugot sa paglalaro minus Jayson Castro, Mikey Williams at marami pang iba.

Show comments