^

PM Sports

‘Don Julio hari sa KDJM race’

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hinangaan ng mga karerista si Don Julio matapos maghari sa 2022 PHILRACOM Klub Don Juan De Manila Cup na nilarga sa Metro Turf, Malvar, Tanauan City, Batangas, noong Linggo ng hapon.

Ipinuwesto ni jockkey Mark Angelo Alvarez ang anak nina Adios Reality at Guatemala na si Don Julio sa pang-apat para panoorin ang matulin sa largahan na si Speed Fantasy sa unahan.

Pagsapit ng far turn ay lumapit ng bahagya ang pambato ni horse owner FR Sevilla Jr., na si Don Julio, nasa pangatlong puwesto na ito kaya naman pagsungaw ng rektahan ay naagaw na ng winning horse ang bandera.

Hindi naman agad bumitaw sa laban si Speed Fantasy na nakipagmatiga­san pa ito sa unahan pero nanatili ang tikas ni Don Julio at nanalo ito ng may dalawang kabayo ang agwat.

Nilista ni Don Julio ang tiyempong 1:51 minuto sa 1,800 meter race sapat upang hamigin ang premyong P600,000 sa event na suportado ng Philine Racing Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Reli De Leon.

Ibinulsa ng may-ari ng Speed Fantasy ang second place prize na P225,000 habang tumersero si Marilag na kumubra ng P125,000.

Nag-uwi rin ng P50,000 ang breeder ng winning horse habang tig P30,000 at P20,000 ang second at third.

PHILRACOM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with