^

PM Sports

Rakocevic pasikat agad sa Hotshots

Russell Cadayona - Pang-masa
Rakocevic pasikat agad sa Hotshots
Isang two-handed dunk ang isinalpak ni Magnolia European import Nikola Rakocevic laban kay Aldrech Ramos ng Terrafirma.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Ipinalasap ng Magnolia ang ika-18 sunod na kamalasan ng Terrafirma simula noong 2021 PBA Governors’ Cup.

Humakot si European import Nikola Rakocevic ng 45 points at 25 rebounds para sa 100-92 pagbangga ng Hotshots sa Dyip sa una nilang laro sa 2022 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Nag-ambag si Jio Jalalon ng 12 markers, 7 assists at 6 boards at may 10 points si Ian Sangalang para sa ika-14 sunod na dominasyon ng Magnolia sa Terrafirma.

“Iyong activity level niya iyon ang gusto namin eh,” sabi ni Victolero sa 24-anyos na si Rakocevic. “We just need the contribution of our locals and improve on our defense.”

Itinayo ng Hotshots ang 15-point lead, 73-58, mula sa layup ni Mark Barroca sa 5:57 minuto ng third period.

Isang 17-6 atake ang pinamunuan ni balik-import Lester Prosper, kumolekta ng 41 points at 19 rebounds, para sa 88-86 abante ng Dyip sa 6:40 minuto ng fourth quarter.

Huling hinawakan ng Terrafirma ang bentahe sa 92-91 mula sa basket ni Prosper sa 2:59 minuto kasunod ang 9-0 bomba ng Magnolia para makalayo sa 100-92 sa nalalabing 31.5 segundo.

Samantala, pinulbos ng Rain or Shine ang Barangay Ginebra, 93-71, na dumiskaril sa debut ni Jamie Malonzo para sa ‘never-say-die’ team.

Tumipa si import Steve Taylor ng 21 points, 10 rebounds at 5 assists para sa 1-1 baraha ng Elasto Pain­ters na nagposte ng 32-point lead, 87-55, sa huling 4:15 minuto ng final canto.

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with