^

PM Sports

TNT ikakasa na ang finals

Russell Cadayona - Pang-masa
TNT ikakasa na ang finals
Hindi nagpapigil si Raymond Almazan ng Meralco kina Simon Enciso at Rodney Brondial ng SMB sa Game 4.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Target ng nagdedepensang TNT Tropang Giga ang Finals ticket sa pagsagupa sa Magnolia, habang pag-aagawan ng San Miguel at Meralco ang 3-2 lead sa 2022 PBA Philippine Cup semifinals series.

Bitbit ang 3-2 abante, lalabanan ng Tropang Giga ang Hotshots sa Game Five ngayong alas-3 ng hapon kasunod ang bakbakan ng Beermen at Bolts sa alas-6 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.

Isinalpak ni Jayson Castro ang isang game-winning three-point shot sa huling 2.4 segundo para sa 93-92 paglusot ng TNT sa Game Three at dinomina ang Magnolia sa Game Four, 102-84.

“They know the most difficult win to get in any series is the No. 4 (win). We have to be extra ready for it,” wika ni Tropang Giga coach Chot Reyes sa Hotshots.

Naging problema ni Hotshots mentor Chito Victolero ang maagang pagkakalagay sa foul trouble nina Paul Lee, Calvin Abueva at Ian Sangalang sa Game Four.

“Palagi kaming napa-foul trouble,” ani Victolero. “That is the key, we need to play defense because that’s our strength. Kung hindi kami makakadepensa, wala kaming chance dito.”

Itinabla naman ng Meralco sa 2-2 ang kanilang semifinals duel ng San Miguel matapos kunin ang 111-97 panalo sa Game Four.

Samantala, pumayag na si two-time college champion coach Aldin Ayo na giyahan ang Converge simula sa darating na 2022 PBA Commissioner’s Cup sa Oktubre.

“Heading the team isn’t an achievement for me. It’s actually a responsibility,” sabi ni Ayo. 

 

PBA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with