2 PBA teams ipinasok sa magkabilang grupo ng EASL

Sina EASL CEO Matt Beyer, PBA Commissioner Willie Marcial at KBL Commissioner Kim Hee sa press conference ng East Asia Super League i­naugural grouping ceremony sa Shangri-La Fort, Manila.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Mapapalaban sa magkaiba ngunit parehong so­lidong grupo ang dalawang teams na ipaparada ng PBA sa East Asia Super League (EASL) matapos ang opisyal na draw ceremony kahapon sa Shang-ri La The Fort Manila.

Nahulog sa Group A ang magka-kam­peon sa 20­22 PBA Phi­l­ippine Cup kasama ang Korean Basketball League (KBL) runner-up na An­yang KGC,  Japan B. Lea­gue runner-up Utsunomiya Brex at Taipei Fu­bon Braves na kampeon ng katatapos lang na P.League+ ng Chinese Taipei.

Nasa bigating Group B ang magiging runner-up ng PBA kasama ang KBL champion na Seoul SK Knights, B.League king na Utsunomiya Brex at Bay Area Dra­gons ng Greater China.

Malalaman pa sa pagtatapos ng All-Filipino Conference ang dala­wang nasabing teams na kakatawan sa PBA sa inau­gural season ng EASL bi­lang kauna-una­hang re­gional league sa Asya.

“Mabigat ang laban natin sa EASL pero abangan nila ang Pilipinas. We will give teams a run for their own mo­ney,” ani Marcial.

Dahil sa mahigpit pa ring protocols sa Hong Kong dahil sa pandem­ya, ang Bay Area Dra­gons ay sa Maynila mu­­na mananatili para sa ka­ni­lang pansamantalang ho­­mecourt at para na rin sa pagsali sa 2022 PBA Commissioner’s Cup bilang guest team.

Show comments