Vietnam sure na sure na sa SEAG hosting

MANILA, Philippines — Kagaya ng inaasahan, muling kinumpirma ng Vietnam ang kanilang pamamahala sa 31st Southeast Asian Games sa Mayo sa kabila ng patuloy na pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) dahil sa Omicron variant.

Ginawa ito ng Vietnam sa pulong ng mga Chef De Mission ng 11 miyembro ng SEA Games Federation.

“It’s certainly a go for the SEA Games in Hanoi in May,” wika kahapon ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham ‘Bambol’ Tolentino na dumalo sa SEAG meeting kasama si Team Philippines Chef De Mission Ramon Fernandez ng Philippine Sports Commission (PSC).

Itinakda ang SEA Games sa Mayo 12 hanggang 25 sa Hanoi.

Nagpresenta ang host ng mga pre-Games formalities, timelines at nagpahamagi ng mga soft copies ng SEAG manual.

Idedepensa ng Pinas ang overall championship na napagwagian nang humakot ng kabuuang 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals ang Pinas noong 2019 edition ng nasabing biennial event.

Nauna nang nagpadala ang POC ng 627 bilang ng mga atletang ilalahok sa 39 ng kabuuang 40 sports sa Hanoi SEA Games.

Ang distribution ng mga accreditation forms ay sa Pebrero 12, habang ang deadline para sa pagsusumite nito ay sa Marso 12 kasabay ng pagbibigay ng entries by names.

Sa Marso 18 ay muling magpupulong ang mga Chef De Mission.

 

Show comments