^

PM Sports

Nonito Donaire December top performer ng PSA

Pang-masa
Nonito Donaire December top performer ng PSA
Nonito Donaire.

MANILA, Philippines — Walang dudang si world boxing champion Nonito Donaire Jr. ang pinakamahusay na performer sa honor list ng Philippine Sportswriters Association (PSA) para sa buwan ng Disyembre.

Sinapawan ng 39-anyos na si Donaire ang iba pang mga Pinoy athletes na bumida sa  chess, karate at golf.

Matagumpay na naidepensa ng 39-anyos na si Donaire ang suot na World Boxing Council (WBC) bantamweight crown matapos talunin ang kababayang si Reymart Gaballo via fourth-round KO noong Disyembre 11 sa Carson, California.

Nabigo naman si John Riel Casimero na maipagtanggol ang kanyang World Boxing Organization (WBO) bantamweight belt matapos magkasakit sa bisperas ng laban niya sa Dubai.

Sa nasabing boxing card ay minalas si Jayson Mama na makopo ang International Boxing Federation (IBF) flyweight title.

Bigo rin si Robert Paradero sa pagkopo sa World Boxing Association (WBA) minimumweight crown sa Phuket, Thailand, habang nawala kay Vic Saludar ang bitbit na WBA title sa Santo Domingo, Dominican Republic tatlong araw bago ang Araw ng Pasko.

Sa chess, tinalo ni Woman’s Grandmaster Janelle Mae Frayna si Shania Mae Mendoza para sa korona ng National Women’s Chess Championships.

Bago matapos ang 2021 ay sumipa sina Junna Tsukii at Jamie Lim ng silver medals mula sa AKF Asian Karate Championships sa Almaty, Kazakhstan.

NONITO DONAIRE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user