PLDT Power Hitters umpisa na rin ang bubble training
MANILA, Philippines — Umarangkada na rin ang bubble training ng PLDT Home Fibr bilang paghahanda sa Premier Volleyball League (PVL) Open Conference.
Idaraos ng Power Hitters ang 14-day training camp nito sa Splendido Hotel sa Alfonso, Tagaytay na matatapos sa Mayo 22.
Una nang nagsasagawa ng ensayo ang Power Hitters sa Paco Arena sa Manila City subalit natigil ito matapos ilagay ang NCR plus bubble sa ECQ at MECQ. Balik na sa GCQ ang NCR plus bubble.
“Malaking bagay ito kasi matagal na kaming hindi nagpa-practice. Nag-practice na nga kami, dalawang araw nga lang dahil nag-ECQ,” ani Gorayeb.
Nasa bubble sina Rhea Dimaculangan, Isa Molde, Marist Layug, Eli Soyud, Chin Basas, Yeye Gabarda, Nieza Viray, Shola Alvarez, Jorelle Singh, Aiko Urdas, Joyce Sta. Rita, Vira Guillema, Kath Villegas at Alyssa Eroa.
Ang PLDT ang ikatlong PVL team na sumalang na sa ensayo. Nauna na ang Creamline at Choco Mucho noong Abril 27 sa Pampanga.
- Latest