Tokyo Olympics puwedeng makansela

TOKYO — Sinabi ng isang top member ng Japanese ruling party na maaaring kanselahin ang 2021 Tokyo Olympic Games kung patuloy ang pagtaas ng mga CO-VID-19 positive cases sa bansa.

Inihayag ito ni Libe-ral Democratic Party secretary general Toshihiro Nikai sa huling 99 araw bago ang quadrennial event na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8.

“We need to cancel without hesitation if it’s no longer possible,” sabi ni Nikai. “If infections spread because of the Olympics, I don’t know what the Olympics is for.”

Sumipa ang mga COVID-19 cases sa Osaka sa mga nakalipas na araw na nagpuwersa sa gobyerno na maglatag ng panibagong restrictions ilang linggo matapos alisin ang virus state of emergency.

Ang nasabing ‘surge’ ay nagresulta sa pagbabawal sa Olympic torch relay na dumaan sa mga public roads sa Osaka.

Marami ring Olympic qualifying tournaments ang ipinagpaliban at tuluyan nang kinansela dahil sa paglobo ng COVID-19 cases sa iba’t ibang bansa.

Iginiit ng mga Olympic organisers na maaa-ring ligtas na maidaos ang Tokyo Games kasabay ng paglalabas ng virus rulebooks para pawiin ang takot sa publiko.

Nauna nang iniatras ng isang taon ang Tokyo Olympics dahil sa COVID-19 pandemic.

 

 

Show comments