Utah itinala ang record 24-home win

SALT LAKE CITY — Dumiretso ang Utah Jazz sa kanilang franchise record home winning streak na 24 games matapos pa-sadsarin ang Sacramento Kings, 128-112, tampok ang season-high 42 points ni Donovan Mitchell.

Ito ang ika-18 na 30-point game ni Mitchell ngayong season habang nagdagdag sina Mike Conley at Joe Ingles ng 26 at 20 markers, ayon sa pagkakasunod, para sa Jazz (40-13).

Humataw ang Utah ng 69 points sa kabuuan ng second half para ipalasap sa Sacramento (22-31) ang pang-anim na sunod nitong kabiguan.

Umiskor si Mitchell ng 14 points sa fourth period para pangunahan ang opensa ng Jazz matapos agawin ng Kings ang 105-104 abante sa 6:05 minuto sa likod nina De’Aaron Fox at Richaun Holmes.

Pinamunuan ni Fox ang Kings sa kanyang 30 points kasunod ang 25 markers ni Holmes.

Sa Oklahoma City, umiskor si center Joel Embiid ng 27 points para banderahan ang Philadelphia 76ers (36-17) sa 117-93 pagpapatumba sa Thunder (20-33).

Sa New York, huma-kot si Andre Drummond ng 20 points at 11 rebounds habang may 19 markers si Dennis Schroder bago nasibak sa laro kasama si Kyrie Irving para igiya ang nagdedepensang Los Angeles Lakers (33-20) sa 126-101 pagbugbog sa Brooklyn Nets (36-17).

Sa San Francisco, humugot si Stephen Curry ng 23 sa kanyang 38 points sa third quarter para tulungan ang Golden State Warriors (25-28) na kunin ang 125-109 panalo sa Houston Rockets (14-39).

Show comments