^
Clarkson lalaro sa GIlas sa 2023 FIBA World Cup
Jordan Clarkson

Clarkson lalaro sa GIlas sa 2023 FIBA World Cup

(Pang-masa) - April 7, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pangarap ni Utah Jazz guard Jordan Clarkson na makapag-suot uli ng Gilas Pilipinas jersey sa 2023 FIBA World Cup na iho-host ng bansa kasama ang Indonesia at Japan.

Ito ang hiling ni Clarkson, proud Filipino-American player sa NBA, ayon sa feature story ni Scott Cacciola ng New York Times, tatlong taon mula ngayon habang patuloy ang pagpapasiklab niya para sa Utah Jazz.

Enggrandeng homecoming ito para kay Clarkson kung sakali lalo na sa prestihiyosong quadrennial basketball tournament na lalahukan ng pinakamalalakas na bansa tulad na lamang ng reigning World Cup at Olympic champion USA.

Una siyang kumatawan sa bansa noong 2018 Asian Games sa Jakarta, Indonesia kung saan niya ginabayan ang Gilas sa fifth place finish – pinakamataas sa 16 taon – sa likod ng pambihirang numerong 26. 0 puntos, 6.5 rebounds at 5.5 assists.

Ngayon, kumakamada si Clarkson 17.3 puntos, 4.0 rebounds at 2.2 assists bilang NBA league-leader ng Utah upang maging top candidate sa 6th Man of the Year award.

Maaaring makapaglaro ang 28-an-yos na cager sa Gilas bilang naturalized o local player na matagal nang inaayos ng Samahang Basketbol ng Pilipinas upang palakasin lalo ang national team.

Bagama’t walang dudang Pinoy, hawak ang sariling Philippine passport, mahigpit ang patakaran ng FIBA na dapat ay nakakuha ng pasaporte ang sinomang manlalaro bago mag-16-anyos upang makunsiderang local player.

Malaking tulong ang inaasahan ng Gilas kay Clarkson bunsod ng kanyang kalibre at NBA experience mula pa sa Los Angeles Lakers at Cleveland Cavaliers matapos maging 46th overall pick noong 2014.

Siya ang kauna-unahang Filipino-American player sa NBA.

JORDAN CLARKSON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with