NLEX optimistiko

MANILA, Philippines — Bitbit ang mga aral mula sa bubble at mga bagong manlalaro, pangako ng NLEX Road Warriors ang mas suwabeng arangkada sa papalapit na PBA Season 46.

Tiwala si head coach Yeng Guiao sa bagong-bihis ng NLEX na mas maganda ang ipapakita nito ngayong 2021 Season matapos kapusin sa makasaysayang 2020 Philippine Cup sa loob ng bubble sa Clark,  Pampanga.

“One thing I’m trying to make sure now is maghanda tayo nang husto. We need to make sure that on Day 1 of the PBA, we’re ready. We don’t want to commit the same mistake,” ani Guiao.

Bunsod ng kulang-kulang na line-up, sumadsad agad sa bubble ang NLEX hawak ang 1-6 kartada bago muntikang makahabol sa playoffs sakay ng 5-game win streak para sa 6-5 finish.

Ayaw maulit ito ni Guiao na gagawin niya kasama ang No. 3 pick na si Calvin Oftana at 20th pick David Murrell gayundin ng mga acquisitions na sina Don Trollano, Roi Sumang and Maurice Shaw matapos i-trade ang No. 4 pick sa 2021 PBA Rookie Draft noong nakaraang buwan.

Sasamahan ng mga bagong Road Warriors ang intact core nina Kiefer Ravena, Kevin Alas, Jericho Cruz, JR Quinahan, Raul Soyud at Mike Ayonayon para sa misyong makipagsabayan sa mga PBA po-werhouses na San Miguel, Ginebra at TNT.

“Mayroon talagang team na mas talented. We know we’re not going to be the biggest team. But we also know that we can compete. We also have that belief in ourselves given a few breaks and given some preparation time,” dagdag niya.

 

Show comments