Dalawang 3YO & Above Maiden Races ngayon

MANILA, Philippines — Dalawang Three-Year-Old & Above Maiden races ang inihain ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI) ngayong araw.

Magbabanatan sa unang 3YO race ang pitong tigasing bagitong kabayo na pakakawalan sa Race 6 sa Metro Turf sa Malvar, Batangas.

Inaasahang bebenta sa takilya ang kalahok na Namayan na rerendahan ni former Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie Guce na mapapalaban sa Air Jordan at Pulang Lupa sa karerang may distansyang 1,200 meter bukod pa sa Sicao Falls, Smart Cool, House Of Gold at Love Thy Neighbor.

May added prize na P10,000 na inisponsoran ng Phi­lippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Walo naman ang magtatagisan ng bilis sa pangalawang 3YO race kung saan ang Palmdale at Kipitaki naman ang napipisil na pang-primera ng mga tipsters sa programa ng karera.

Ang ibang kalahok ay ang Gwapoduck, Pulang Bato Falls, Common Sense, Sail With The winds, Gameday at Money Heist.

Show comments