Diego at Barbie, nilantad ang relasyon

Masayang tinapos ng bagong magkasintahang Diego Loyzaga (25) at Barbie Imperial (22) ang taong 2020 at magkasama ring sinalubong ang pagpasok ng  2021.

Marami ang ginulat nina Diego at Barbie nang mag-post ang dating Kapamilya young actor sa kanyang Instagram account ng isang sweet photo nilang dalawa ni Barbie.

Diego and Barbie celebrated the Christmas holidays in Bohol, ang hometown ng ama ni Diego na si Cesar Montano. But they stayed sa isang beach resort in Bohol.

It seems na bago pa lamang ang relasyon ng dalawa dahil when we had a chance na ma-interview si Diego with her mom, ang actress na si Teresa Loyzaga ay loveless pa at that time ang actor.

Ang young Kapamilya actress na si Sofia Andres ang huling naging kasintahan ni Diego. Si Sofia ay may iba nang karelasyon ngayon, ang international car race driver na si Daniel Miranda (mula sa isang prominenteng pamilya ng mga Lhuillier sa Cebu) at may one-year-old daughter sila na si Zoe.

Ayon kay Diego, masaya umano siya para kay Sofia and her partner na si Daniel. Sina Diego at Sofia ay huling nagkasama sa afternoon TV series na Pusong Ligaw in 2017.  Sa kalagitnaan ng serye ay may problema na ang dalawa kaya nang magtapos ang serye ay nagtapos na rin ang relasyon nila. Bago si Diego ay naging kasintahan ni Sofia ang kaisa-isang anak ni Piolo Pascual, ang young singer-actor na si Inigo Pascual pero nagkahiwalay din ang dalawa.

Ex naman si Barbie ni Paul Salas pero hindi naging maganda ang break-up ng dalawa. Sandali ring na-link si Barbie sa kanyang co-lead actor sa seryeng Araw Gabi na si JM de Guzman pero ito’y naudlot.

Si Barbie ay nananatili sa bakuran Star Magic ng ABS-CBN habang si Diego ay alaga ngayon ng Viva Artists Agency (VAA).

Ogie, nagka-miracle kay Liza

Alam mo, Salve A., isa ako sa natutuwa sa ating mga kasamahan sa panulat na nagiging successful sa buhay. At isa na rito si Ogie Diaz na nag-evolve mula sa pagiging isang proofreader/editor/writer sa isang matagumpay na actor-comedian, talent manager, radio anchor at isang successful YouTuber-host na isa ring pilantropo.

Sixteen years old pa lamang noon si Ogie nang kanyang makilala ang kanyang mentor, ang veteran editor at dating publisher, entertainment columnist, host at radio anchor na si Cristy Fermin.  

Nagsimula si Ogie na birthday kahapon sa pagiging alalalay ni Cristy hanggang gawin siyang proofreader then editor and eventually entertainment columnist.

Pang-anim sa walong magkakapatid, natuto si Ogie maghanap na pagkakakitaan nang sumakabilang-buhay ang kanyang ama in 1987.

Although high school lamang ang tinapos ni Ogie, hitik siya sa maraming pangarap sa buhay at kasama na rito ang makapundar ng sariling bahay para sa kanyang pamilya at matulunganang kanyang ina at mga kapatid na unti-unti naman niyang natupad.

Since napasok ni Ogie ang mundo ng showbiz, inaral niya ang maraming bagay sa loob ng industriya hanggang sa siya’y maging isang talent manager.

Marami siyang mentor sa pagiging isang talent manager at kasama na riyan sina Manay Lolit (Solis), Dolor Guevarra at ang yumaong writer-producer turned talent manager na si Douglas Quijano. “Inaral ko ang mga ginagawa nila,” pag-amin ni Ogie.

Unknown to many, si Ogie ang unang talent manager ni Vice Ganda nung ito’y nagsisimula pa lamang sa showbiz at ito’y tumagal ng apat na taon at kalahati.  Nang maghiwalay ang dalawa, may apat na taon din silang hindi nag-usap pero ngayon ay naibalik na nila ang kanilang relasyon bilang magkaibigan matapos mag-reach out ni Vice.

Nang mawala si Vice Ganda, dumating naman sa kanyang buhay si Liza Soberano.

Hindi niya ikinakaila na napakalaking blessing sa kanya si Liza dahil sa tulong ng mga kinikita niyang komisyon bilang manager ng actress ay naitawid niya ang kanyang `miracle baby’ na si Meerah Khel (for Miracle) na ipinanganak na premature baby at 6 months.

Apat na buwan si Baby Meerah sa incubator at umabot ng mahigit P4-M ang ginastos ni Ogie sa hospital bills ng bata pero milagro itong nabuhay at isa na ngayong malusog (tatlong taon na), na 5th daughter ng actor-comedian, talent manager and YouTuber.

Happy birthday Ogie.

Show comments