C15-races bukas

MANILA, Philippines — Magandang pambungad na karera ang masisilayan ng mga karerista sa 2021 dahil may ihahain ang Metro Turf Club na 15 races bukas sa Malvar, Batangas at tiyak na pupuntiryahin ng mga racing aficionado ang carry over sa winner take all na magsisimula sa Race 2.

May P543, 964. 21 ang carry over inaasahang patok na naman ang grose sa araw ng Sabado.

Bukod sa carry over, aabangan din ng mga karerista ang bakbakan ng mga bagitong kabayo sa 3-Year-Old & Above Maiden trace na ilalarga sa Race 10.

Nakalaan ang added prize na P20,000 sa event na suportado ng PPhilippine Racing Commission, (PHILRACOM), magtatagisan ng bilis ang 14 kalahok.

Ayon sa mga tiempista, posibleng makakuha ng maraming suporta sa mga karerista Rodrigo, Keso de Bola at Work from Home.

Show comments