Slaughter gusto nang bumalik sa Ginebra

Greg Slaughter

MANILA, Philippines — Desidido si Greg Slaughter na makabalik sa Barangay Ginebra matapos itong humi-ngi ng tawad sa pamunuan ng San Miguel Corporation.

Binasag ni Slaughter ang pananahimik sa kanyang Instagram post at pinagsisisihan na nito ang hindi pagkakaunawaan kina SMC president Ramon Ang at sports director Alfrancis Chua.

“I want to apologize to them and the rest of management for any misunderstanding or bad feelings that may have occurred because of my decision,” ani Slaughter.

Nais ni Slaughter na magkaroon ng bagong simula sa pagpasok ng 2021 kasama ang Barangay Ginebra na naging tahanan nito sa kanyang buong PBA career.

Magugunitang hindi na-renew ang kontrata ni Slaughter noong Pebrero at nagdesisyong itong magpahinga sa Amerika bago bumalik sa Pilipinas noong Oktubre.

Ayaw muna ni Chua na pag-usapan ang isyu na inaasahang matatalakay pagkatapos ng holiday season.

“There is no bad blood. I think he’s mature enough to realize that what he did is wrong,” ani Chua.

 

Show comments