Pagkawala ni Parks Jr. hamon sa Tropang Giga

John Bryan Ulanday (Pang-masa) - December 2, 2020 - 12:00am

SMART CLARK GIGA CITY, Philippines — Hamon sa TNT Tropang Giga ang inaasahang pagkawala ni Ray Parks Jr. ngayong kritikal na Game 2 ng 2020 PBA Philippine Cup Finals bunsod ng iniindang left calf strain injury.

Inaasahan ni TNT head coach Bong Ravena ang pagkakapit-bisig ng kanyang mga players upang maitabla ang best-of-seven titular showdown sa 1-1 kartada.

“If ever hindi siya (Parks) makalaro, kailangan lang ‘di bumaba ‘yung morale ng team. We have to deal with that. We expect everyone to step up in Game 2,” ani Ravena na umaasang aangat ang laro nina Poy Erram, Simon Enciso at Troy Rosario matapos magkasya lamang sa 10, 9 at 8 puntos, ayon sa pagkakasunod habang patuloy na kontribusyon ang inaabangan mula kina RR Pogoy (19-puntos sa (Game 1) Jay Washington (14) at Jayson Castro (12) .

Kailangang punan ng TNT ang 22.5 puntos, 8.1 rebounds at 3.1 assists na rehistro ni Parks bilang lider ng statistical race ngayong bubble season sa naipong 38.3 SPs.

*Ginebra kailangang lumaban-- Hindi pa rin sanay na walang fans lalo na sa Finals, sasandal na lamang sina  Cone at ang crowd darlings na Ginebra sa kanilang mga sarili sa misyong maipanalo ang kanilang All-Pinoy title simula 2007.

RAY PARKS JR.
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with