Gilas sasagupa sa Thailand

MANILA, Philippines — Simula na ang mis-yon ng Gilas Pilipinas sa pagsabak sa Thailand ngayong gabi sa FIBA Asia Cup Qualifiers se-cond window sa Khalifa Sports City sa Manama, Bahrain.

Magtutuos ang Pilipinas at Thailand sa alas-4 ng hapon (alas-9 ng gabi sa Maynila).

Ipaparada ng Gilas Pilipinas ang bagitong koponan na babanderahan nina first window veterans Isaac Go, Matt Nieto, Kobe Paras, Dwight Ramos at Juan Gomez de Liano.

Kasama ng lima sa pool sina Javi Gomez de Liano, Rey Suerte, Jaydee Tungcab, Justine Baltazar, Dave Ildefonso, William Navarro, Calvin Oftana at Kemark Carino.

Saludo si Gilas Pilipinas head coach Jong Uichico sa tapang at kalidad ng kanyang tropa.

“They play hard, they have the energy, they have the intensity. If they can translate all of those to the cerebral part of the game, then they’re the perfect bunch already,” ani Uichico.

Sa kabilang banda, inaasahang ibubuhos ng Thailand ang buong lakas nito lalo pa’t wala sa lineup si Thai-American Tyler Lamb na pangunahing pinagkukunan ng lakas ng tropa.

Ngunit hindi dapat magpakampante ang Gilas Pilipinas dahil professional players ang 10 nasa lineup ng Thailand.

“Ang advantage lang naman nila (Thailand) mas matagal silang naglaro together. Because club team sila, they are a club team. They’ve been together for so long, and through these years, nag-i-improve sila. They are a very cohesive unit,” ani Uichico.

Matapos ang unang laro, magkakaroon ng dalawang araw na pa-hinga ang Gilas Pilipinas bago muling harapin ang Thailand sa Lunes sa parehong oras.

 

Show comments