2-araw na rin ang karera sa San Lazaro

MANILA, Philippines — Dalawang araw na rin ang pakarera ng Manila Jockey Club Inc. (MJCI) kaya masisiyahan ang ba-yang karerista dahil Sabado at Linggo na rin ang takbo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

Unang nagpakarera ng dalawang araw ang Metro Manila Turf at naging matagumpay ang kanilang patakbo.

Tiyak na malaking suporta ang matatanggap ng karerahan sa mga  mananaya dahil may stakes race sa Linggo.

May 10 kabayo ang nagdeklara ng pagsali sa magaganap na Ambassador Eduardo M. Cojuangco Jr. Memorial Cup na 2,000 meter race.

Nakalista ang Chancetheracer at hinete nitong si Philippine Sportswriters Association, (PSA) Jockey-of-the-Year awardee Jessie B. Guce.

Nagsaad din ng pagsali ang 2019  Presidential Gold Cup runner up na Pangalusian Island, Gomper Girl, Woderland, National Pride, Full Stream, Righteous Ruby, Sooner Time, Stella Malone at Viva Morena.

Naka-post sa facebook page ng San Lazaro ang iskedyul ng karera  para sa Sabado’t Linggo at kahapon lang nagbolahan para maayos ang lineup.

Show comments