^

PM Sports

Cabagnot may pasabog

Fergus E. Josue Jr. - Pang-masa
Cabagnot may pasabog
Alex Cabagnot

MANILA, Philippines — Hindi lang sa basketball court may ibubuga si San Miguel Beermen shooting guard Alex Cabagnot dahil maging sa dance floor ay lalaban din ito.

Nakisali sa nauusong #DynamiteChallenge sa social media ang 9-time PBA champion kung saan umindak ito sa saliw ng hit song na ‘Dynamite’ ng K-Pop group na BTS.

Sa Instagram, habang naka-ice pack ang mga binti, inilabas ni Cabagnot ang kanyang natatagong dance skills at sinamahan pa ng caption na “Love wins #DynamiteChallenge #FirstTry.”

Tuwang-tuwa ang mga netizens sa ginawang Tiktok ng one-time Finals MVP na kasulukuyang nasa PBA bubble para sa pagpapatuloy ng 2020 Philippine Cup.

Laugh out loud emoji na lang naikomento ng veteran guard mula Barangay Ginerbra na si Mark Caguioa gayundin ang dating UST Tigresses stalwart Angge Tabaquero.

Sa ngayon ay hawak nina Cabagnot at buong Beermen ang 2-2 na baraha na nasa ikalimang puwesto ng standings sa ilalim ng Phoenix Super LPG at Rain or Shine Elasto Painters.

vuukle comment

ALEX CABAGNOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with