Ayaw pakawalan ni Hidilyn Diaz ang pagkakataon
Hidilyn Diaz
Ayaw pakawalan ni Hidilyn Diaz ang pagkakataon
Russell Cadayona (Pang-masa) - August 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Kung ngingitian siya ng kapalaran ay makasabak si national lady weightlifter Hidilyn Diaz sa kanyang ikaapat na Olympic Games.

Para mabuhat ang Olymipc berth sa 2021 edition na gagawin sa Tok­yo, Japan ay kailangan lamang ni Diaz, pang-lima sa rankings para sa 55-kilogram category, na lumahok sa isang Olympic qualifier.

“Hindi ko malaman kung maglalaro pa uli ako sa 2024 (Paris Olympics). Pero alam ko maglalaro ako next year (Tokyo), so doon muna ako,” wika ni Diaz, ang silver medalist sa 2016 Olympics sa Rio de Janeiro, Brazil, sa panayam ng Sports Page.

Hangad ng 29-anyos na si Diaz na makasama sa Tokyo Olympics sina pole vaulter Enest John Obiena, gymnast Carlos Edriel Yulo at boxers Eumir Felix Marcial at Irish Magno.

Sa tingin ni Diaz ay mas malaki ang tsansa ng mga Pinoy athletes sa weightlifting na manalo sa mga bigating international competitions kagaya ng Olympics. “Para talagang mag-e-excel tayo sa weightlifting,” sabi ng tubong Zamboanga City. “Napatunayan ko na sa Olympics, papatunayan ko pa rin sa Tokyo 2021.”

Unang lumahok si Diaz sa Olympics noong 2008 sa Beijing, China bilang isang wildcard entry kasunod sa London noong 2012 at Rio de Janeiro noong 2016.

Para makatulong sa kanyang hinahangad na Olympic slot ay binigyan si Diaz ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation (MVPSF) ng pondong P1.5 milyon.

 

HIDILYN DIAZ
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with