Hindi dapat madaliin ang balik-aksyon

MANILA, Philippines — Hindi dapat magmadali ang mga professional leagues na makabalik sa aksyon sa gitna ng kinakaharap na coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

Ito ang suggestion kahapon ni dating coronavirus task force adviser Tony Leachon sa Philippine Basketball Association (PBA), Philippine Football League (PFL) at Chooks-to-Go 3x3 national team.

“Habang hindi natin muna naa-arrest itong coronavirus ng one month hanggang two months, medyo kailangang mag-ingat muna tayo,” wika ni Leachon. “Ang suggestion ko i-start na ‘yung workout nila kasi most athletes made-deconditioned iyan eh. Dapat iyon ang i-start ngayon kasi it’s just a matter of time in the next thee months I think mafla-flatten na ‘yung curve na iyan kasi nag-increase na ‘yung health care capacity natin,” dagdag nito.

Noong Hulyo 27 ay inilabas ng Philippine Sports Commission (PSC), Games and Amusements Board (GAB) at Department of Health (DOH) ang isang Joint Administrative Order (JAO) para sa pagbabalik sa training at conditioning ng PBA, PFL at Chooks-to-Go 3x3 national team.

Subalit noong Agosto 4 ay ipinatupad ng Malacañang ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna bunga ng pagtaas ng mga nagpositibo sa COVID-19. Tatagal ang MECQ hanggang 18.

“Nafla-flatten ang curve kapag nandiyan na ang health care capacity. Eh nandiyan na ang testing, nandiyan na ang contact tracings, nandiyan na ‘yung isolation facilities. So habang ginagawa mo iyan kailangang i-prepare na natin ‘yung mga athletes natin para pagbukas ng liga hindi sila deconditioned, hindi sila matataba at hindi sila prone to injury,” ani Leachon.

Plano ng PBA na gamitin ang ‘closed cir­cuit’ kung saan ang ruta lamang ng mga pla­yers ay bahay at trai­ning ve­­nue, habang balak ng PFL na gawin ang kanilang training at mga laro sa Philippine Football Fe-deration (PFF) National Training Center sa Carmona, Cavite.

Gagamitin naman ang Chooks-to-Go national 3x3 team ang ‘bubble’ sa INSPIRE (Integrated Sports Performance, Inno­vation and Reco-very) Sports Academy sa Calamba, Laguna.

  

Show comments