Anak ni Samboy Lim gusto ring mag-Olympics

Jamie Lim

MANILA, Philippines — Naghahangad ding makalaro sa 2021 Tokyo Olympics ang Southeast Asian Games champion at talented na anak na karateka ni “The Skywalker”  Samboy Lim na si Jamie Lim.

Ito’y matapos manalo ng gold medal sa Ukrainian Karate Premier League Kharkiv Open  sa -68kg division noong February.

“I’m as determined as can be to win the qualifiers and make it to Tok-yo,” ani Lim.

Inaasahang hindi pa-lalampasin ni Lim ang pagkakataong ito na makalaro sa Olympics. Bago naka-gold sa SEA Games ay nagpahinga ito sa karate ng apat na taon upang pagtuunan ang kanyang pag-aaral kung saan nagtapos  siyang cum laude na may bachelor’s degree sa Mathematics sa University of the Philippines.

Show comments