Miss na ni Rex Intal ang girlfriend

Rex Intal ang kanyang girlfriend na si Ciacia Mendoza.

MANILA, Philippines — Sa Instagram idinaan ni Philippine men’s national volleyball team middle blocker Rex Intal ang kanyang pagka-miss sa girlfriend na si Ciacia Mendoza, na halos tatlong buwan na niyang hindi nakakasama.

Isang throwback na couple photo nilang mag-jowa ang ipinost ng 2019 SEA Games silver medalist sa Instagram at sa caption palang halatang sabik na siyang makita ang taga-Lipa, Batangas na girlfriend na kilalang-kilala sa Instagram sa kanyang lifestyle, beauty at fashion photoblogging at modeling.

“It’s been 100+ days na po since we last saw each other. Kilala pa kaya ako nito? #CovidLDR,” sabi ni Intal sa nasabing post na may halos 18k likes na.

Sumagot naman si Mendoza sa kanyang partner sa loob ng tatlong taon ng: “Awwwwwwww huhuhuhuhu. I miss you so much,” kasama ang ilang crying emoji.

Sa kasalukuyan, ay patuloy pa rin ang pagpapakondisyon ni Intal kahit wala pang katiyakan ang pagbabalik ng Spikers’ Turf - ang liga kung saan siya naglalaro sa ilalim ng Cignal HD Spikers.

Show comments