Casimero walang humpay ang pag-eensayo sa Miami

Johnriel Casimero

MANILA, Philippines — Hindi maawat si Fili­pi­no world champion Johnriel Casimero sa pag­hahanda pa­ra sa nala­lapit niyang unification bout laban kay Japanese fighter Na­oya Inoue sa Abril 25 sa Mandalay Bay Resort and Casino sa Las Vegas, Ne­vada.

Dedma si Casimero sa coronavirus dahil business as usual ang kampo niya sa kanyang training camp sa Miami, Florida.

Desidido ang World Boxing Organization ban­­tamweight champion na maagaw ang World Bo­­­xing Association at International Bo­xing Fe­de­ration ban­tam­weight belts na su­ot ni Inoue.

Kaya naman walang pa­hinga si Casimero sa trai­ning camp sa kabila ng kaliwa’t kanang ne­gatibong balita sa coro­na­virus outbreak na ku­malat na sa iba’t ibang pa­nig ng bansa maging sa Amerika.

Sumasailalim sa ma­tinding pagsasanay kasama si strength and condi­tioning coach Memo He­redia, ang beteranong trai­ner na humasa kay Me­xican boxing great Juan Manuel Marquez.

Si Heredia ang na­ging katuwang ni Marquez nang talunin nito si eight-division world champion Manny Pacquiao noong 2012 sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Inaasahang magtutu­ngo sa Las Vegas ang Team Casimero para sa kanyang training camp.

Habang naghihintay ng opisyal na statement mu­la sa Top Rank Promo­tions na siyang humaha­wak sa laban ay walang pu­wang ang pag­re-relax para kay Casimero.

Naghihintay pa ang Top Rank kung kakanse­lahin ng Ne­vada State Ath­letic Com­mission ang mga laban sa Abril.

Ang NSAC ang nag­bi­bigay ng permiso sa la­hat ng mga laban sa Ne­vada.

Sa kasalukuyan, ilang boxing fights at MMA bouts na ang kinansela sa buwan ng Marso ngunit wala pang anunsyo ang Nevada State sa mga laban sa Abril.

Kung matutuloy ito, pla­no ng Top Rank na ga­win itong closed door event.

Show comments