Jordan at Hornets players tutulong sa kanilang mga part-time employees

CHARLOTTE — Hindi pababayaan ni ow­ner Michael Jordan at ng mga Hornets players ang ka­nilang mga part-time employees na pansamantalang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus (COVID-19) pandemic.

Nagkasundo sina Jordan at kanyang mga Hornets players na magtayo ng isang fund na tutulong sa ka­nilang higit sa 500 part-time staff.

Ang nasabing fund ang susuporta sa mga emple­yado ng koponan kagaya ng mga ushers, ticket ta­kers, box office attendants, entertainers, public safety officers, retail staff, guest services personnel, technical operations at iba pa.

Bibigyan ang mga part-time staff ng Hornets ng financial assistance hanggang sa katapusan ng sche­duled NBA season sa Abril 13. 

Tutulungan din ni Jordan at ng mga Hornets pla­yers ang mga part-time employees na nagtatrabaho sa Spectrum Center concerts at pati na ang Greensboro Swarm part-time staff hanggang sa katapusan ng Marso.

Kamakalawa ay nagpositibo sa COVID-19 si Detroit Pistons forward Christian Wood kasunod sina Rudy Gobert at Donovan Mitchell ng Utah Jazz.

 

Show comments