Kobe at Gianna binigyan ng tribute
(Pang-masa) - February 18, 2020 - 12:00am

CHICAGO -- Bago ang pagdaraos ng 2020 NBA All-Star Game ay bi­nigyan ng liga ng tribu­te ang mga retired players na tinawag na Legends Brunch.

Bawat taon ay pinararangalan ang isang retiree na nagmula sa host city.

Nang gawin ang All-Star sa Los Angeles no­ong 2017 ay gusto ng NBA na parangalan si Ko­be Bryant.

Tumanggi siya dahil hin­di siya makakadalo.

Ang dahilan ay dahil may laro sa umaga ang kanyang anak na si Gian­na.

“That said, to us, eve­ry­thing about his prio­rities,” pahayag ni NBA Com­­missioner Adam Silver sa naging pag-uusap nila ni Bryant.

Ngayong NBA All-Star sa lungsod ni NBA great Michael Jordan ay nasapawan ng tri­bute pa­r­a kay Bryant ang laro ng tropa nina LeBron James at Giannis Anteto­kounmpo.

Tatlong linggo na ang nakakalipas matapos masawi ang 41-anyos na si Bryant at ang 13-anyos na si Gianna kasama ang pitong iba pa sa isang helicopter crash sa Southern California.

Hindi pa rin nawawala ang pagluluksa.

Ibinigay ang unang Kobe Bryant MVP Award kay Kawhi Leonard matapos igiya ang Team Le­Bron sa  157-155 paglusot kontra sa Team Giannis sa 2020 All-Star Game.

Si Jennifer Hudson ang nanguna sa pre­game tribute para kay Bryant.

Ang mga players ng Team James’ ay isinuot ang No. 2 jersey ni Gian­na at ang Team Gian­nis ay nagsuot ng No. 24 jersey ni Bryant.

Ang bawat uniporme ay may patch na may siyam na bituin para sa mga biktima ng helicopter crash.

Nauna nang ipinagluksa ng NBA ang pagpanaw ni dating Commissioner Emeritus David Stern no­ong Enero 1.

“Just as a reminder: Who more embodies the spi­rit of All-Star than Ko­be? ... He always played hard. He didn’t care if it was an All-Star game,” wika ni Silver. “And I think that’s what he and David had in common. They always competed. They believed in the po­wer of sports.”

NBA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with