Alinsunurin hinugot ng Generika
Fergus E. Josue Jr. (Pang-masa) - February 11, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinapik ng Generika-Ayala Lifesavers ang serbisyo ni Philippine national men’s volleyball head coach Dante Alinsunurin bilang bagong assistant coach ng koponan sa darating na 2020 season ng Philippine Superliga (PSL).

Sa kanilang official Facebook page ay mainit na sinalubong ng tropa si Alinsunurin na makakatuwang at makakasama ni head coach Sherwin Meneses sa kampanya nila sa liga ngayong taon.

“Volleysavers, help us in officially welcoming another key addition to the team! Say hello to the new assistant coach of the Generika Ayala Lifesavers, Coach Dante Alinsunurin!” ang post nito sa kanyang Facebook account. “Excited to have you have onboard, Coach!”

Umaasa ang Lifesavers na magiging malaki ang epekto ng pagdating ni Alinsunurin sa kampanya ng koponan at matuldukan ang five-year title drought.

Sa inaugural staging ng PSL noong 2014 All-Filipino Conference unang naka­tikim ng kampeonato ang Generika-Ayala, habang silver medal naman ang na­ibulsa ng grupo noong 2014 Grand Prix.

Si Alinsunurin ang nagmando sa laban ng national men’s team sa nakaraang 2019 Southeast Asian Games kung saan nagtala sila ng kasaysayan nang pababain sa trono ang four-time champions na Thailand at ibulsa ang pilak na medalya matapos ang 42 taon.

Siya rin ang nanguna at tumulong sa National University Bulldogs na masungkit ang back-to-back championship crowns sa UAAP men’s volleyball tournament noong Season 80 at 81.

PHILIPPINE SUPERLIGA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with