DepEd nagpaliwanag sa 2020 Palaro

MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Education (Dep­Ed) na hindi kasali ang Palarong Pambansa sa kakanselahing events bun­sod ng 2019 novel co­ronavirus outbreak.

Sinabi ng DepEd na tu­loy ang annual sports meet dahil sa Mayo pa na­man ito nakatakda.

Naunang napabalita na kanselado ang Pala­rong Pambansa matapos ang pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones sa Senate inquiry kama­kalawa.

“We reiterate that the Palarong Pambansa is not included in the list since it will officially open by May this year,” paliwanag ng DepEd.

Ilan sa ki­nanselang events ng DepEd ay ang Na­tional School Press Con­ference (NSPC), Na­tional Festival of Ta­lents (NFOT) at National Scien­ce and Technology Fair (NSTF) na nakalinya lahat ngayong Pebrero.

Sa Marikina City ga­ga­win ang Palarong Pam­bansa ngayong taon.

 

Show comments