SMB-Alab Pilipinas may bagong import

MANILA, Philippines — Bagong import ang ipaparada ng Alab Pilipinas sa susunod na laban nito kontra sa Hong Kong sa pagpapatuloy ng 2019-2020 ASEAN Basketball League.

Ito ay si Prince Williams na papalitan si Khalif Wyatt, ayon sa kumpirmasyon ni team owner Charlie Dy.

Ayon kay Dy ay hanggang Enero 15 lang talaga ang kontrata ni Wyatt kaya’t umalis na ito sa koponan.

Nagrehistro si Wyatt ng 16.5 puntos, 4.8 assists  at 3.8 rebounds sa walong laro para sa Alab.

Sa kabutihang palad ay nakahanap agad ng kapalit ang Alab kay Williams na masusubukan ang kilatis kontra sa HK Eastern sa Enero 23.

Aasahan ng Alab ang tulong ni Williams bilang beterano ng manlalaro bagama’t 27-anyos pa lamang.

Nakapaglaro na ang 6’5 guard sa Greece at Georgia at nagpasiklab na rin sa teams ng Texas Legends, Iowa Wolves at Greensboro Swarm.

Makakasama ni Williams   ang iba pang world imports na sina Nick King at Sam Deguara gayundin ang locals na sina Jason Brickman, Lawrence Domingo, Jeremiah Gray, Brandon Rosser at Louie Vigil.

May 5-3 marka sa ikaapat na puwesto ang Alab sa kalagitnaan ng regional league sa Asya na pinagwagian nila noong 2018.

 

Show comments