Dragon Butterfly, Time And Again parehong markado

MANILA, Philippines — Makikilatis ang dalawang tigasing kabayo sa first double ngayong araw sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Unang minarkahan ng mga liyamadista ang Dra-gon Butterfly sa Condition Race Merged na ilalarga sa unang karera.

Tiyak na liyamado sa bentahan ang Dragon Butterfly na rerendahan ni class A rider CS Pare, makiki-pagtagisan ng bilis laban sa 13 pang kalahok sa event na may distansyang 1,300 meter.

Makakaharap ng Dragon Butterfly ang Hardliner, Iikot Lang, High Grader, Tool Of Choice, Magic Carpet Ride, Facing Dixie, Fire Council, Disyembreasais, Morning Breeze, Biglang Buhos at Big Boss James.

Paniguradong mapapalaban naman ang inaasa-hang magiging top favorite na Time And Again sa isa pang Condition Race Merged Category 9 na pakakawalan sa pangalawang karera.

May best time na 1:15 minuto sa 1,300 meter race ang Time And Again at ito ang pinagbasehan ng mga liyamadista para kunin itong paninggel sa kanilang Winner Take All.

“Puwede ko na sigurong i-single yan sa Winner Take All ko tutal maganda ang tiyempo at magaling din naman ang hinete,” patungkol ni veteran karerista Roberto Callejo sa kalahok na Time And Again.

Magbibigay ng magandang laban sa Time And Again ay ang Sooner Time, Erik The Viking, Goldsmith at Stella Malone.

Gagabayan ni class A jockey Mark Angelo Alvarez ang Time And Again.

Show comments