Mabigat ang laban ng Meralco

MANILA, Philippines — Aminado si head coach Norman Black na napakalaking kawalan ni 6-foot-8 center Raymond Almazan para sa Meralco.

Nagkaroon ang dating Letran Knights slotman ng left knee injury sa first half ng 84-92 kabiguan ng Bolts sa Ginebra Gin Kings sa Game Three ng 2019 PBA Governor’s Cup Finals noong Linggo.

Nagtala si Almazan ng mga averages na 17.5 points at 10 rebounds para sa Meralco at dumedepensa kay Ginebra import Justin Brownlee at kina ‘twin to-wers’ Japeth Aguilar at Greg Slaughter.

“What he has done this conference is give us an opportunity to match up the big man of the other teams and without him, we almost had a hole in the middle,” wika ni Meralco mentor Norman Black kay Almazan. “We will just try to find a way to camouflage it or try to fix it.”

Inaasahang magla-laro ang Bolts na wala si Almazan sa pagharap sa Gin Kings ngayong alas-7 ng gabi sa krusyal na Game Four sa Smart Araneta Coliseum.

Kinuha ng Gin Kings ang 2-1 bentahe sa kanilang best-of-seven championship showdown ng Meralco at hangad nila ngayon na makalapit sa kanilang pang-12 korona.

Sa 92-84 panalo ng Gin Kings sa Game Three ay nagtala si resident import Justin Brownlee ng 24 points, 9 rebounds at 9 assists habang may 23 at 21 markers sina flying forward Japeth Aguilar at playmaker Stanley Pringle, ayon sa pagkakasunod.

Humataw naman si Chris Newsome ng 24 points at humakot si two-time PBA Best Import Allen Durham ng 23 points at 13 rebounds para sa Bolts.

Ayon kay Ginebra veteran point guard LA Tenorio, hindi lamang sina Durham at Newsome ang kailangan nilang bantayan sa Meralco.

“We’re containing Durham but I think we have to contain everyone. Kaya ganoon ka-lakas ang Meralco nga-yon, kaya sila nandito (sa finals),” sabi ni Tenorio.

Samantala, igagawad naman ng PBA ang Best Player of the Conference award na pinamumunuan ni five-time PBA MVP June Mar Fajardo ng San Miguel.

Nagtala ang 6’10 na si Fajardo ng average na 38.8 statistical points mula sa kanyang mga averages na 19.3 points, 14.0 rebounds, 1.8 assists at 1.2 blocks sa kampanya ng Beermen sa season-ending conference.

Show comments