Mascariñas sinorpresa ang Gilas Women’s 3x3
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - January 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tumataginting na gantimpala ang natanggap ng Gilas Pilipinas 3x3 women’s team mula sa Chooks-To-Go bilang sukli sa karangalang naibigay nila sa bansa sa katatapos lang na 30th Southeast Asian Games.

Kinilala ni Ronald Mascariñas, President ng Bounty Agro Ventures Inc., ang national women’s team sa pagbigay ng P100,000 pabuya sa kada miyembro ng koponan.

Dumalo sa natu-rang event sa BAVI office kahapon sina Jack Animam, Clare Castro at Afril Bernardino habang wala naman si Janine Pontejos.

“For women’s basketball, 2019 was really a breakthrough year. Thank you for the ladies for bringing honor to our country. You made us all proud,” ani Mascariñas sa pagpupulong na dinaluhan din ni Gilas 3x3 coach Mark Solano na kumatawan kay mentor Pat Aquino.

Kagagaling lang ng Gilas women sa makasaysayang gold medal win sa SEA Games noong Disyembre kung kailan pinakilala ang 3x3 basketball bilang medal event sa unang pagkakataon.

Nagtala ang Gilas women ng 4-1 baraha sa torneo sa preliminary stage bago sibakin ang Vietnam sa semi-finals, 21-12, upang makapagtakda ng rematch kontra Thailand.

Thailand ang tumalo sa Nationals sa Gilas women na siyang nagpaalab sa kanilang puso nang umiskor ng 17-13 tagumpay sa championship.

Para kay Mascariñas, inspirasyon ang ginawa ng Gilas women na siyang matagal na ring vision ng kumpanya na maibigay sa mga Pilipino.

“Our manok ng ba-yan mission is not only about sports. For us, the underlying meaning of this is about bayan, about creating inspiration. Itong mga sports icons at idols natin, source of inspiration for our countrymen,” pagtatapos niya.

Dahil sa gantimpalang ito, asahan na lalong paiigtingin ng Gilas women ang laban sa marami pang 3x3 tournaments na nakalinya sa kanila ngayong taon.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with