Mainit na double-header
POINT GUARD - Nelson Beltran (Philstar.com) - November 19, 2019 - 12:00am

BAGUIO -- Explosive double-header ang magsasara ng PBA Governors Cup elimination round kung saan maglalaban ang TNT KaTropa at San Miguel Beer para sa huling spot sa Top Four at susubok ang Alaska Milk na awtomatikong masungkit ang huling puwesto sa quarterfinals.

Dadaan ang Alaska sa laban kontra sa NLEX na nais na makakuha ng magandang winning momentum papunta sa playoffs.

Win or lose, sigurado na ang NLEX ng playoff top seeding sa unang pagkakataon sa franchise history. Pero malamang na pupukpok pa rin ito kontra sa Alaska para kumuha ng magandang vibes at energy.

Virtual playoff game ang labanang TNT-San Miguel.

Biglang napagtatalo ang TNT dahil sa injury na natamo ni Jayson Castro. Samantalang gusot sa pagitan ni Dez Wells at ilang SMB local players naman ang malaking distraction na hinaharap ng koponan ni coach Leo Austria.

Ang mananalo sa laban na ito ang sasama sa NLEX, Meralco at Barangay Ginebra na tatangan ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals.

Samantala, mananalangin ng NLEX win kontra Alaska ang Columbian Dyip para manatiling buhay ang pag-asa nilang makatungtong sa quarters.

Makukumpleto agad ang quarters cast kapag tinalo ng mga Aces ang mga Road Warriors.

***

Balanse ang odds sa Ateneo-UST finale ayon sa aking mga kasama sa isang brief vacation dito sa ating Summer Capital.

“Malayong-malayo ang lakas at tibay ng Ateneo,” ani Odie Chua, na kasama kong November birthday ce-lebrator.

“May silat ‘yan,” ani Kagawad Dennis Alemania na kasama ang aking anak na si Rizanelle Beltran at Pascual “Pasky” Mercado na rooting for UST.

Kakampi naman ni Odie si Ernie Malit na panig sa Ateneo.

NCAA PBA UAAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with