^

PM Sports

Magnolia swak sa quarterfinals

Russell Cadayona - Pang-masa

MANILA,Philippines — Ayaw na ng nagdedepensang Magnolia na magkaroon ng komplikasyon ang kanilang pagpasok sa eight-team quarterfinal round.

Hindi binitawan ng Hotshots ang kanilang hawak na double-digit lead sa second half para pa­luhurin ang TNT Katro­pang Texters, 100-93, sa 2019 PBA Governor’s Cup kahapon sa University of Southeastern Philippines Gym sa Davao City.

Humakot si PBA Best Import Romeo Travis ng 21 points, 12 rebounds at 3 assists para sa kampo ni coach Chito Victolero.

Nakabangon ang Magnolia mula sa 85-86 kabiguan sa NLEX para itaas ang baraha sa 6-5 kasabay ng pagpapalasap sa TNT Katropa ng ikatlong dikit nitong kamalasan pa­ra sa 7-3 record katabla ang Barangay Ginebra.

Nauna nang natalo ang tropa ni coach Bong Ravena laban sa NLEX, 113-126, at Ginebra, 93-96.

Nabigo na naman silang makahirit ng isa sa apat na ‘twice-to-beat’ in­centive sa quarterfinals.

Nagsukatan ng lakas ang dalawang koponan sa first period bago nakawala ang Hotshots sa second quarter  sa pagkuha sa 35-24 abante mula sa three-point shot ni Mark Barro­ca sa 8:32 minuto nito.

Ang tirada ni Chris Banchero ang lalo pang nagbaon sa Tropang Texters sa 31-53 patungo sa 41-56 pagkakaiwan sa halftime.

Nakabawi naman ang TNT Katropa sa third period sa pangunguna nina import KJ McDaniels, RR Pogoy at No. 2 overall pick Bobby Ray, Parks, Jr. para ilapit ang laro sa 45-56.

Subalit muling humataw ang Magnolia at itinarak ang 94-71 kalamangan galing sa dalawang free throws ni Ian Sangalang sa 7:04 minuto ng final canto.

Nagkaroon naman ng tirahan sina McDaniels at Marc Pingris sa huling 4:16 minuto ng final canto kung saan angat ang Hotshots sa 94-80.

Huling nakadikit ang Tropang Texters sa 88-96 mula sa drive ni Pogoy sa 2:44 minuto ng bakbakan.

Isang baseline jumper ang isinalpak ni Travis na naglayong muli sa Mag­no­lia sa 98-88.

 

vuukle comment

MAGNOLIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with