La Salle, Benilde walang pasok sa 30th SEA Games duration
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - November 14, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sususpendihin ng De La Salle University at College of St. Benilde Manila ang klase nito sa susunod na buwan para magbigay-daan sa hosting ng bansa sa nalalapit na 30th Southeast Asian Games (SEAG) na nakatakda mula Nobyembre 30 hangggang Disyembre 11.

Inanunsyo ng La Salle chancellor Br. Bernard S. Oca ang naturang suspension kamakalawa na nakatakda mula Disyembre 2 hanggang Disyembre 7.

“In view of the activities directly connected with the Philippine hosting of the 30th SEA Games, please be informed that from December 2 to December 7, 2019, classes and office work in the Manila campus will be suspended. Access to the campus will likewise be restricted,” ani Oca sa opisyal na pahayag.

Suspendido na rin ang klase sa katapat na paaralang St. Benilde Manila at Benilde Deaf school sa parehong araw.

Ang St. Benilde Manila at La Salle Taft ay halos nasa sentro ng aksyon sa SEA Games lalo’t katabi lamang nito ang Rizal Memorial Sports Complex na isa sa magiging main venues ng biennial meet.

Ilan lamang sa gaganaping sports disclipines sa RSMC ay ang weightlifting, taekwondo, men’s football, soft tennis at gymnastics.

Samantala, iminungkahi rin ng Metro Manila Development Authority ang suspensyon ng klase sa iba pang paaralan sa palibot ng Maynila na maaaring maapektuhan sa papalapit na biennial meet lalo’t hindi lamang RSMC ang magiging venue sa siyudad.

Ilan pang venues sa Metro Manila ay ang Philsports Arena sa Pasig, MOA Arena at PICC sa Pasay, Filoil Flying V Centre sa San Juan, Makati Coliseum at Starmall EDSA sa Mandaluyong.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with