Ginebra core sa Gilas pool
John Bryan Ulanday (Pang-masa) - September 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sasandal si Gilas Pilipinas head coach Tim Cone sa familiarity at chemistry matapos atasan ang kanyang Barangay Ginebra core na bumandera sa 15-man pool ng bansa para sa paparating na 30th Southeast Asian Games sa Nobyembre.

Pinangalanan ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sina Gin Kings veterans LA Tenorio, Scottie Thompson, Stanley Pringle, Art Dela Cruz, Greg Slaughter at Japeth Aguilar na manguna sa Gilas pool matapos ang masinsi-nang talakayan kasama ang PBA Board of Governors kahapon sa PBA Office sa Quezon City.

Kaya pinili ni Cone ang Ginebra core dahil kukulangin ng panahon sa paghahanda ang Gilas lalo’t dalawang buwan na lamang ay lalarga na ang SEAG sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 11.

Kasama rin sa 15-man pool ni Cone sina Christian Standhardinger, Marcio Lassiter, Chris Ross at June Mar Fajar-do ng San Miguel, Troy Rosario, RR Pogoy at Jayson Castro ng TNT gayundin sina Vic Manuel ng Alaska at Matthew Wright ng Phoenix.

Ayon kay Cone, magkakaroon lamang sila ng hanggang 14 na araw na ensayo dahil na rin sa ginaganap na 2019 PBA Governors’ Cup kaya ang pagpili sa mga players na alam na ang kanyang sistema at coaching style ang ‘best option’ sa ngayon para masiguro ang pagdepensa ng Gilas Pilipinas sa SEAG basketball title.

“With limited practice, we don’t have a whole lot of time to teach, time to try out and get a lot of the guys in, figure out who’s it gonna be, we don’t have time for that. So we narrowed it down and we try to come with the idea of maybe because of the short window we have, maybe we should go with a team I’m familiar with - Ginebra - get six of its players and reinforce it,” ani Cone.

Sa paraang ito, magkakaroon pa aniya ng ka-tulong si Cone sa katauhan ng Ginebra players sa pagturo sa ibang manla-laro ng kanyang sistema.

Hindi rin aniya ito ang mga best players sa bansa pero ito ang posibleng best team dahil sa chemistry na inuna niya kaysa sa talento.

“If I have a core group that already understands what we’d like to do in terms of system offensively and defensively then those players will help me coach the other players who will be added on,” dagdag ni Cone.

SOUTHEAST ASIAN GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with