^

PM Sports

Durham muling ipaparada ng Bolts

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pamilyar na import ang ipaparada ng Meralco para sa darating na 2019 PBA Governors’ Cup.

Ito ay si Allen Durham na hinirang na  two-time Best Import awardee ng season-ending confe­rence.

Sa nakalipas na tatlong PBA Governors’ Cup ay si Durham ang na­ging resident reinforcement ni head coach Norman Black.

Nagwagi si Durham bilang Best Import noong 2016 at 2017 kung saan niya nadala ang Bolts sa PBA Finals ng dalawang magkasunod na taon.

Sa kasamaang palad ay yumukod si Durham at ang Meralco sa dalawang magkasunod na ta­on din kontra kay Justin Brownlee at sa Barangay Ginebra.

Bumalik ulit ang 31-anyos na veteran no­ong 2018 Governor’s Cup subalit se­mis lang umabot ang Bolts sa ka­bila ng kanyang ave­ra­ges na 27.5 points, 20.5 rebounds at 7.0 assists.

Bukod sa PBA ay na­ging import din ng Meralco si Durham noong 2018 FIBA Asia Champions Cup kung saan nagtapos sa impresibong fourth place ang koponan kontra sa pinakamagagaling na club teams ng Asya mula sa CBA, KBL, at Japan B. League.

Nagmula si Durham sa Japan B. League para sa Shiga Lakestars kung saan siya nagrehistro ng mga ave­rages na 22.3 points, 13.2 rebounds at 4.5 assists.

Inaasahan na mala­king tulong si Durham sa Bolts lalo’t kagagaling lang ng tropa sa maagang bakasyon sa 2019 PBA Commissioner’s Cup bilang 9th placer.

Maagang darating si Durham para sa maagang paghahanda ng Meralco para sa pagbubukas ng PBA Governors’ Cup sa Setyembre 20 matapos ang 2019 FIBA World Cup.

Isa lamang si Durham sa mga nagbabalik na resi­dent imports sa da­­rating na komperensya kasama sina Eugene Phelps ng Meralco, Olu Ashaolu ng NLEX at Brownlee ng Ginebra.

 

vuukle comment

DURHAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with