^

PM Sports

Thailand pasok sa semis

Elech Dawa - Pang-masa
Thailand pasok sa semis

CANDON CITY - Swak sa semifinals ang Thailand matapos nilang walisin ang Myanmar, 25-15, 25-16, 25-19 sa second day ng Southeast Asian Volleyball Cup (SEA V Cup) men’s division na nilaro sa Candon Arena, Ilocos Sur kahapon.

Tumikada si Nadapet Bhinjidee ng 17 points mula sa 13 attacks at tig-dalawang blocks at service aces habang bumakas si Chaiwat Thungkham ng 10 markers para sa Thailand upang ilista ang 2-0 karta at hawakan ang tuktok ng Pool A.

Sinagasaan ng Thais, first leg champion noong nakaraang taon, ang lahat ng nakatunggali sa Pool A, una dito ang Vietnam, 33-31, 18-25, 25-19, 25-16 noong Miyerkules sa event na pinamahalaan ni Candon City Mayor Eric Singson at suportado ng Philippine Sports Commission at ng Philippine Olympic Committee.

Impresibo ang ipinakitang bangis ng Thais kaya naman dinomina nila ang Myanmar sa buong laro sa tournament na may masusungkit na world ranking points.

Nagtala rin si Thanat Bamrungphakdi ng pitong puntos para sa Thailand habang tig-apat ang kinana nina Toopadit Phraput, Jakkrit Thanomnoi at K­iadtiphum Ramsin.

Samantala, uusad ang top two teams sa bawat pool sa semifinals bukas, (Sabado) at sa Linggo naman ang championship game.

Kaya naman kaila­ngan ng Alas Pilipinas na masilat ang 2025 SEA V. League second leg champion Indonesia sa paghaharap nila ngayong araw upang magkaroon ng tsansa na pumalo ng bola sa susunod na phase.

Nalagay sa alanganin ang Pinoy Spikers nang matalo sila sa Cambodia, 23-25, 30-28, 20-25, 25-22, 8-15, noong Miyerkules ng gabi. 

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with