Antibay ni Thurman
Chris Co (Pang-masa) - July 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — May itinatago ring la­kas si Keith Thurman na mas maraming tumamang suntok kumpara kay eight division world champion Manny Pacquiao sa kanilang bakba­kan kahapon sa MGM Grand Garden Arena sa Las Vegas, Nevada.

Kumunekta si Thurman ng 210 suntok mula sa 571 kabuuang suntok na pinakawalan nito.

Sa kabilang banda, mayroong naikonektang 195 suntok si Pacquiao sa kanyang 686 suntok na bi­nitawan.

Ito ang pinakamara-ming pinakawalang suntok ni Pacquiao sapul no­ong 2013 nang magtala ito ng 790 punches tampok ang 281 na tumama kay Brandon Rios.

Lamang din si Thurman sa power punches ta­ngan ang 192 out of 443 para sa matikas na 43.2 porsiyento habang na­kakuha lamang si Pacquiao ng 113 out of 340 para sa 33.2 percentage.

“Hindi ako nagkumpiyansa after ng first round. He’s a good fighter,” ani Pacquiao.

THURMAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with