Phl poomsae team kumolekta ng 3 golds at 2 silvers sa Korea Open

MANILA, Philippines — Nakasungkit ang na­tional poomsae team ng tatlong ginto at dalawang pilak na medalya sa 2019 Chuncheon Korea Open International Taek­wondo Champion­ships na ginanap sa Ho­ban Gymnasium sa Chungcheon-si Gangwondo sa South Korea.

Pinangunahan ni Da­rius Dayo Venerable ang kampanya ng Pilipinas matapos pagharian ang freestyle individual male -30 division kung saan tinalo niya ang da­lawang South Korean bets.

Nakahirit pa ng gintong medalya ang pambansang koponan sa re­cognized team male ca­tegory matapos mag­sa­nib ng puwersa sina Pa­trick King Perez, Ro­dolfo Reyes Jr. at Ra­phael Enrico Mella para makuha ang unang puwesto.

Galing naman ang ikatlong ginto mula kina Rinna Babanto, Jocel Lyn Ninobla at Aidaine Krishia Laxa na nama­yagpag naman sa recog­nized team female division.

Nag-ambag ng isang tanso si Janna Dominique Oliva sa freestyle individual female, habang nakasiguro rin ng third-place finish sina Venerable, Oliva, Juve­ni­la Faye Crisostomo, Jeordan Dominguez at Mar­vin Mori sa freestyle team class.

Itinanghal na Best Freestyle Male Player si Venerable habang Best Recognized Team ang Pilipinas sa naturang ka­tegorya.

“Nothing is impossi­ble if you put your whole heart into it. We are very proud of all of you. For the country, for Philippine Taekwondo Association and most of all, for God. Thank you for all the prayers, love and support,” ani poomsae coach Rani Ann Or­tega.

Show comments