1-0 lead pag-aagawan ng Blue Eagles at Scorpions

Muling babanderahan ni import Ange Kouame ang Ateneo laban sa CEU sa Finals.
PBA Images

Sa game one ng PBA D-League title series

CEBU, Philippines — ‘David at Goliath’ ang magiging tema ng la­ban sa pagitan ng ‘underdog’ na Centro Escolar University at paboritong Cignal-Ate­neo sa pagbubukas ng 2019 PBA D-League best-of-five championship se­ries sa Filoil Flying V Cen­tre sa San Juan City.

Sisiklab ang Game One ngayong alas-4 ng ha­pon kung saan susu­bukan ng Scorpions na maipagpatuloy ang ka­nilang ‘Cinderella run’ kontra sa Blue Eagles na numero unong colle­giate team ngayon sa bansa.

Simula sa quarter­fi­nals ay walong manla­laro lamang ang ipina­rada ng CEU dahil sa pag­kakasangkot ng wa­long ibang manlalaro ni­to sa ‘game-fixing’.

Subalit hindi ito na­ging hadlang nang daigin ng Scorpions ang kum­pletong St. Clare College-Virtual Reali­ty Saints sa kanilang best-of-three semifinals series na tinuldukan ng 89-72 panalo sa Game Three papasok sa Finals.

Kung si head coach Derrick Pumaren ang ta­tanungin ay kampeon na ang kanyang pilay na ko­ponan dahil walang nag-akala na makaka­rating sila sa champion­ship ng 20-team PBA D-League tourney.

“For me, this team is already a champion. With all the adversities na nangyari, we still made it,” ani Pumaren.

Subalit hindi aniya sa­pat iyon upang humin­to na ang Scorpions na misyong mapatunayan na may ibubuga rin ang CEU kahit hindi ito UAAP o NCAA team.

“We know we’re gon­na be the underdog against Ateneo. We’re fa­cing the No. 1 college team in the land,” dagdag pa ni Pu­maren.

Babandera para sa eight-man CEU si Sene­galese big man Maodo Malick Diouf kasama ang mga locals na sina Rich Guinitaran, Dave Bernabe, Kurt Sunga at France Diaz.

Bagama’t paborito na­mang sasalang sa du­welo bilang back-to-back champion ng UAAP at dahil sa mahabang pahinga matapos walisin ang Valencia City Bukidnon-SSCR sa semis ay hindi magpa­pakumpyansa ang Ate­neo ayon kay deputy San­dy Arespacochaga.

“They’re in the Fi­nals for a reason. They’ve been playing un­dermanned and that’s what makes them dan­ge­rous,” ani Arespacochaga. “We’ll be ready. It will be tough for us. That’s for sure.”

Sasandal ang Blue Eagles kay Ivorian big man Ange Kouame.

Show comments