^

PM Sports

Ilagan jin unang naka-Gold sa BP-Luzon

Francisco Cagape - Pang-masa

ILAGAN CITY, Isabela, Philippines — Itinakas ng hometown bet Eljay Marco Vista ang ginto sa cadet boys poomsae event upang maging unang gold medalist sa 2019 Philippine Sports Commission-Batang Pinoy Luzon Qualifying Leg kahapon sa Brgy. San Felipe Covered court dito.

Hindi binigo ng 12-anyos na si Vista ang kanyang mga kababayan sa galing at porma sa pagsungkit ng 7.670 puntos para angkinin ang malaking panalo sa unang pagkakataon sa kanyang career.

“Tatlo kaming magkakapatid na puro black belter kaya naengganyo rin akong pagbutihin ko talaga ang aking performance. Masaya ako sa panalo Kasi hindi ako sigurado sa panalong ito. May nakalaban akong magaling sa nakaraang Palarong Pambansa kaya kinabahan ako. Nandito din siya nga-yon,” sabi ni Vista na isang Grade 6 estudyante sa Ilagan City Central School.

Pumapangalawa kay Vista si Kacey Canlas ng Olongapo City sa 7.600 puntos at ikatlo si Wreily Canao ng Baguio City sa 7.465 puntos.

Kagaya ng inaasahan, nakuha ni Aesha Kiara Oglayo ng nagdedepensang Baguio City ang ginto sa cadet girls poomsae habang inuwi ng kanyang teammate na si Khyla Kreanzzel Guinto ang silver at bronze naman sina Antonette Medallada ng Parañaque at Princess Mariano ng Pangasinan.

Inangkin din ni Ian Matthew Corton ng Quezon City ang ginto sa poomsae boys juniors event. Nakuha ni King Nash Alcairo ng Quezon Province ang silver at bronze medalists sina Naga City teammates Emmanuel Christopher Austria at Carl John Villoria Alicia.

Ipinagpaliban ngayong araw ang umpisa ng medal-rich swimming na may mahigit 20 gintong medalya ang paglalaban sa unang araw ng kumpetisyon na gaganapin sa Old Isabela Sports Complex, ang venue ng 1992 Palarong Pambansa.

Inaasahang dodominahin uli ng Dasmariñas at Laguna Province ang athletics na magsisimula sa bukas.

vuukle comment

ELJAY MARCO VISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with