Wolves nakatakas sa Suns

Si Derrick Rose ng Minnesota laban kay Patty Mills ng San Antonio.

MINNEAPOLIS — Isinalpak ni veteran guard Derrick Rose ang isang 18-footer sa natitirang 0.6 segundo para tulungan ang Minnesota Timberwolves na itakas ang 116-114 panalo laban sa bisitang Phoenix Suns.

Iniskor ni Rose ang 29 sa kanyang 31 points sa second half para iba-ngon ang Minnesota mula sa 11-point deficit laban sa Phoenix.

“I missed a lot. it was all up to my teammates and the coaches for giving me that confidence, putting the ball in my hands and just believing in me,” sabi ni Rose.

Humakot naman si star center Karl-Anthony Towns ng 28 sa kanyang 30 points sa first half para sa Timberwolves bago nalimitahan sa second half dahil sa mahigpit na depensa ng Suns.

Pinamunuan ni T.J. Warren ang Phoenix sa kanyang 21 points kasunod ang tig-18 markers nina Devin Booker at Kelly Oubre, Jr.

Tumama ang tangkang 3-point shot ni Warren sa gilid ng backboard para sa huling posesyon ng Suns, naipatalo ang lahat ng kanilang apat na road trip games.

Sa Indianapolis, tumirada si guard Victor Oladipo ng 21 points at nagtala si Darren Collison ng 19 points at 9 assists para pangunahan ang Indiana Pacers sa 120-95 panalo laban sa Charlotte Hornets.

Sa San Antonio, nag-lista si Tobias Harris ng 27 points, 9 rebounds at 9 assists para akayin ang Los Angeles Clippers sa 103-95 pagpapatumba sa Spurs at tapusin ang kanilang five-game losing slump.

Show comments