Tepora hinubaran ng titulo dahil overweight
(Pang-masa) - January 20, 2019 - 12:00am

LAS VEGAS – Dahil sa kabiguang makuha ang weight limit ay hinu­baran si Cebuano Jhack Tepora ng kanyang suot na WBA interim super fea­therweight title.

 

Sobra ng 5.5 pounds ang bigat ni Tepora (22-0-0, 17 KOs), habang 125 pounds naman ang tim­bang ni Mexican chal­lenger Hugo Ruiz para makapasa sa 126 lbs limit.

Si Tepora sana ang mag­bubukas sa PPV te­lecast para sa upakan ni­­na Manny Pacquiao at American challenger Adrien Broner dito sa MGM Are­na.

Lalabanan naman ni Ruiz si Alberto Guevarra para sa 10 rounds, non-title fight.

Nasa isang six-fight winning streak si Tepora na tinampukan ng kanyang pagkopo sa WBA in­terim title noong Hulyo sa Kuala Lumpur.

JHACK TEPORA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with