Parks pumirma na

Bobby Ray Parks Jr

MANILA, Philippines — Sa gitna ng umuugong na trade ay nasiguro ng Blackwater ang serbisyo ni Bobby Ray Parks Jr na kanilang sinikwat bilang second overall pick sa 2018 Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft noong nakaraang Linggo.

Ito ay matapos makapirma ng one-year contract si Parks Jr kamakalawa, ayon sa agent nitong si Charlie Dy na kumatawan sa naturang manlalaro.

Ang isang taong kontrata na ito ay upang masiguro muna ang rights ng Elite sa 25-anyos na cager bunsod ng naunang commitment nito sa San Miguel-Alab Pilipinas sa idinaraos na 2018-2019 Asean Basketball League.

“They initially offered two years but the maximum rookie contract is three years. So, we opted to sign the tender offer first,” ani Dy sa isang panayam.

“Tender offer is to show that the team is interested to sign the player but no time to negotiate yet so as to hold the rights of the player.”

Magugunitang ilang araw lang ay natampok ang pangalan ni Parks Jr. sa malaking three-way trade sa pagitan ng Blackwater, Meralco at Talk ‘N Text na kaagad naman pinabulaa-nan ng Elite sa pagsasabing ‘tsismis’ lang ito.

Ayon sa napaulat na palitan ay mapupunta sana ang anak ng dating seven-time PBA Best Import sa Meralco upang makapaglaro sa ilalim ng kanyang ninong na si Norman Black.

Bilang kapalit ay makukuha ng Blackwater si Baser Amer na itutulak naman nila pa-TNT kapalit sina Jericho Cruz at Brian Heruela.

Subalit sa pagpirma na ito ni Parks Jr, tila naapula ang usap-usapang iyon lalo’t sinabi ng isang reliable source na wala aniyang nababanggit na trade ang Blackwater sa kampo ni Parks Jr.

Samantala, bukod sa two-time Asean Basketball League Most Valuable Player na si Parks Jr ay napapirma na rin ang ibang top rookies nga-yong taon.

Dalawang taon na deal ang pinirmahan ni Trevis Jackson bilang fifth overall pick ng Meralco habang isang taon naman ang binigay ng Bolts sa 14th overall pick nilang si Bong Quinto.

Nakasiguro rin ng kontratang hindi nai-detalye sina 11th pick JP Calvo at 15th pick Jeepy Faundo sa koponan ng Columbian.

Sasamahan nila nga-yon si top overall pick CJ Perez na pumirma na rin ng maximum rookie contract kamakalawa.

Ang iba pang rookies na nakapirma na ng kontrata ay sina second pick Robert Bolick sixth Javee Mocon at eight pick ng Jayjay Alejandro Rain or Shine.

Show comments