Subukan si Aquino

Tumataginting na 80 straight victories at five conse-cutive UAAP women’s basketball title na ang ibinulsa ng NU Lady Bulldogs sa ilalim ni coach Pat Aquino.

 

Isama pa ang pagdadala niya ng national women’s team sa Division I play ng FIBA Asia women’s championship.

Sa lahat ng ito, walang dudang sobra-sobra na ang pinatunayan ni coach Pat sa women’s basketball at panahon na sigurong subukan ang kanyang kakayahang humawak ng men’s team.

Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ang itatagal ng kontrata ni Jamike Jarin bilang coach ng NU Bulldogs.

Pero sa pagtatapos nito, at kung hindi siya nag-deliver, dapat siguro ay huwag nang lumayo ang NU management sa paghanap ng bagong coach.

Kung ayaw ninyong alisan ang NU Lady Bulldogs ng magaling na coach, eh di subukan ipahawak kay coach Pat ang programa ng inyong men’s and women’s teams.

***

Obviously, kinokonsidera na ng PBA ang MPBL na kalabang liga kaya’t nagpasa ng mga bagong re-solusyon ukol sa mga posibleng pagtalon ng mga PBA players sa ibang liga.

Isa rito ang pagpataw ng ban at malaking fine sa mga PBA players na biglang tatalikuran ang kanilang mother teams. Kahit na tapos na ang kontrata sa PBA at biglang umalis ang manlalaro, hindi na siya basta-basta makakabalik sa PBA. “He will have to sit out two seasons and pay a hefty sum for him to be able to rejoin the PBA,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

DATOS: Big success ang jade jubilee ng VMHS-Maysan Batch ’83. Kasama sa mga nakarating sina Ariel Francisco, Ernie Malit, Kandong Pabaya, Odie Chua, Dennis Alemania, Glenn Diwa, Romeo Beltran, Romeo Francisco, Johnson Yang, Ferdinand Marzan, Fred Sy, Pascual Mercado, Domeng Orosco, Rody Doon, Unyo de Gula, Susana Magalang, Liby dela Cruz, Cynthia Ortiz, Thess Alejo, Precy Dagon, Maryann Muyano, Annalisa Vitug, Tess Casimiro, Imelda Roberto, Deogry Garcia, Vicky Macatulad, Lorna Andaya and Isidra Millares. Di nakarating pero nagpadala ng tulong at pagbati sina Vermon Indiongco, Greta Candido, Reynold Umil, Emma Lareza at Enrique Doon.

Show comments