Gustong umangat ng Creamline

MANILA, Philippines — Target ng Creamline ang krusyal na panalo laban sa Petro Gazz upang makalapit sa top seeding sa Final Four ng Premier Volleyball League Season 2 Open Conference na muling darayo sa Batangas City Coliseum.

 

Magpapang-abot ang Cool Smashers at Gazz Angels sa alas-6 ng gabi matapos ang non-bearing game ng Adamson University at Pocari-Air Force sa alas-4.

Nasa No. 3 ang Creamline taglay ang 9-3 marka habang nasa unahan ang BanKo Perlas na may 10-3 kabuntot ang Ateneo de Manila University. Ikaapat ang Petro Gazz na siyang nakasungkit ng huling tiket sa semis bunsod ng 7-5 panalo-talo.

Puwestuhan na lamang ang magiging labanan sa huling dalawang araw ng eliminasyon.

Ngunit inaasahang magbubuhos pa rin ng lakas ang mga ito lalo na ang mga semifinalists upang magkaroon ng magandang momentum bago sumalang sa best-of-three Final Four series.

“What’s key at this stage is to build our confidence and gain momentum. All semifinalists are strong so we have to improve as a team heading to the semis,” wika ni Creamline team captain Alyssa Valdez.

Nangunguna si Valdez sa scoring department tangan ang 20.8 average points.

Show comments