‘Di pa rin umabot si Durham

MANILA, Philippines — Sa ikatlong sunod na pagkakataon, bigong mahagkan ni Allen Durham ang hinahangad na unang kampeonato sa Philippine Basketball Association.

Ito ay matapos na kapusin ang Meralco, 92-99, sa Game 4 kontra sa Alaska tungo sa 1-3 kabiguan ng kanilang 2018 PBA Governors’ Cup semi-finals kamakalawa ng gabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Masakit ito para kay Durham dahil hindi aniya inaasahang ganito kaaga sila mamamaalam sa kontensiyon matapos na makapasok sa Finals ng season-ending conference sa nakalipas na dalawang taon.

“It’s hard to swallow but Alaska, they played hard. They won three games in a row, they’re very deserving of where they’re at right now,” ani Durham na nauwi sa wala ang 31 puntos at 14 rebounds sa kanilang pagkatalo.

“It’s not how we wanted to go out but I wish Alaska the best.”

Sa kabila nito, wala aniyang dapat ikahiya ang buong Bolts, ani Durham, lalo’t hindi sila sumuko kahit pa nabaon nang maaga sa 1-6 baraha bago humabol hanggang makapasok pa sa semis ng Governors’ Cup.

“It was not how we wanted to start but we showed a lot of grit and fight to get to this point. We didn’t ge over the top like we wanted but I’m still proud of my guys for how hard we fought to get here,”dagdag ni Durham na siyang two-time Best Import sa conference na ito.

Nangako rin si Durham na babalik ulit sa susunod na taon para sa isa na namang pagkakataon na sa wakas ay makapag-uwi na ng kampeonato.

“That’s my plan. I’m still trying to get a ring so I’m gonna keep working until I can’t run or jump anymore. I gotta wait for next season and start it all over again,” pagtatapos ng 30-anyos na resident import na nagrehistro ng pambihirang 27.7 puntos, 18.5 rebounds at 7.3 assists ngayong taon.

Show comments