Debut ni Butler sinira ng Magic

Pa-drive si Jimmy Butler ng Philadelphia laban kay Nikola Vucevic ng Orlando.

ORLANDO, Florida — Umiskor si Jimmy Butler ng 14 points sa kanyang debut saPhiladelphia ngunit kumulapso ang 76ers sa dulo ng fourth period na sinamantala ng Magic para sa kanilang 111-106 panalo.

Nagsalpak si Jonathon Simmons ng isang three-pointer sa huling 8.7 segundo para kumpletuhin ang panalo ng Orlando laban sa Philadelphia.

Tumipa ang Magic ng 21-sunod na puntos sa fourth quarter at hindi pinaiskor ang 76ers sa huling 3 1/2 minuo ng final canto.

Kumamada si Nikola Vucevic ng 30 points para sa Orlando kasama ang dalawang free throws sa natitirang 5.8 segundo.

Naglaro si Butler sa loob ng 33 minuto at nagtala ng 6-for-12 fieldgoal shooting. Nahugot ng 76ers ang four-time All-Star noong Lunes mula sa Minnesota Timberwolves matapos ang isang five-player trade.

Kumolekta naman si center Joel Embiid ng triple-double sa kanyang 19 points, 13 rebounds at 10 assists sa panig ng Philadelphia, nalasap ang pang-pitong kabi-guan sa huli nilang siyam na road games.

Pinamunuan ni J.J. Redick ang 76ers sa kanyang 22 points ngunit nakagawa ng dalawang turnovers sa nalalabing 31 segundo.

Sa Minneapolis, mu-ling sinandigan ng Minnesota Timberwolves sina Karl-Anthony Towns at Andrew Wiggins para talunin ang New Orleans Pelicans, 107-100.

Humakot si Towns ng 25 points at 16 rebounds, samantalang umiskor si Wiggins ng 23 markers para sa ikalawang sunod na ratsada ng Minnesota matapos i-trade si Butler sa Philadelphia.

Nagdagdag si Jeff Teague ng 14 points at 14 assists para sa Timberwolves, nagtala ng 21-point lead laban sa Pelicans sa second period.

Binanderahan naman ni E’Twaun Moore ang New Orleans sa kanyang season-high 31 points habang nagdagdag si Anthony Davis ng 29 points at 11 rebounds.

Sa Milwaukee, nagposte si Marc Gasol ng 29 points at may 26 markers si Mike Conley para pa-ngunahan ang Memphis Grizzlies sa 116-113 pagtakas sa Bucks.

Ipinalasap ng Memphis ang unang home loss ng Milwaukee ngayong season.

Humataw si Giannis Antetokounmpo ng 31 points kasunod ang 25 markers ni Khris Middleton para sa Bucks.

Show comments